Sorry at dialect namin ‘yan. Hehe. Pero sobrang saya ko na okay na ulit kami ni Pols. We had the worst fight yesterday. Worst kasi dumating sa puntong ayaw na niya sa relationship namin. Gusto na niyang itigil. Kasalanan ko kasi. Kung bakit naman nagpapadala ako sa galit ko kaya kung anu-anonang natext ko sa kanya na nagdulot ng sobrang sakit sa part niya. Alam kong mapride na tao si Pols ko pero napatunayan naman niya sa’kin in the past na willing siyang ibaba ‘yun ‘wag lang kaming mag-away. Kaso napuno na siya sa’kin kahapon. Hindi na niya natiis kaya sumuko na talaga siya. Grabe ang eksena sa kanila kahapon. Pumunta ako to say sorry nga at magmakaawang ‘wag niya akong bitawan. Tinginan mga taga roon sa kanila habang naghihintay ako sa kanya. Kahit alam na kasi niyang andun ako, ‘di niya pa rin ako nilalabas. Nagpakita lang siya ‘nung si nanay na niya ang pumunta sa kanya para sabihan nga siya na andun ako. Tapos ‘nung nag-uusap na kami, hindi siya tumitingin sa mata ko. Grabe ang kaba ko. Huhu. Ramdam ko kasi talaga ang galit niya. Nung sabihin niyang ayaw na niya, tumayo talaga ako at lumapit sa kanya. Todo yakap ako at iyak ng iyak. Wala na akong paki kung may nakakakita man o nakakarinig sa usapan namin. Basta ang iniisip ko lang that time “Mahal ko ‘tong lalaking ‘to. Wala na akong paki sa kahihiyan ko.” Pero in the end, wala pa din akong nagawa. Ayaw na niya talaga. Umuwi akong luhaan. Hehe. Pagpasok ko sa kwarto ko, iyak na ako ng iyak. Tapos tinext ko ang kapatid ko. Niyaya kong uminom. Pumayag naman. Pagpasok niya sa kwarto, iyak na ako ng iyak. Tanong naman siya ng tanong kung ano ang nangyari. Between sobs, nagawa ko namang ikwento sa kanya. Lasing na lasing ako kasi halos ako naman ang pinapainom ng kapatid ko. Niloloko ako nun eh. Hehe. Nakatulog naman ako pero nagising ako ng mga ala una. Ang sakit sa ulo at ang sakit pa din sa puso. Tinawagan ko siya. Buti na lang sumagot siya. Pero iyak na ako ng iyak. Haha. Mukhang gaga lang. Sabi ko sa kanya ‘balik ka na please. Di ko talaga kayang wala ka. Huhuhu.’ Tapos tanong na siya ng tanong which is a good sign. Nang ma-cut na ang call saka siya nagtext na matulog na daw ako at ‘wag na daw akong umiyak. Hehe. Tapos ngayong umaga, part ‘yan ng conversation namin. Tinatamad akong magtranslate. Hahaha. Basta hindi na daw siya galit tapos okay na ulit kami. :”> Matutulog akong may ngiti sa mga labi. May pinanghahawakan na akong kasiguraduhan. Bukas, magiging okay na kami. Babalikan daw niya ako. Yehey. Salamat naman. Di ko talaga kayang wala siya. Huhuhu. As in. Oa ko lang noh? Pero ganun talaga. Mahal ko siya eh. Sige. Good night na. Kailangan ko ng energy bukas. Aw mamaya na pala kasi madaling araw na. :) There are times that I stared out of my window and ask myself, “Is this the kind of life that I really wanted?” or “Is there anything else out there in store for me?” Questions are filling my head on a beautiful sunny day like this. #nofilter #viewfrommywindow #litrato Oh rest day.
Sarap sa feeling. Akala ko hindi na kita mararanasan. Namiss kita ng bongga talaga. Isang buwan din akong nawalan ng kahit isang araw man lang na pahinga. Salamat at tapos na ang eleksiyon. Salamat at balik na ulit sa normal na office hours. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na sa ganitong oras, nakahiga pa din ako. Sa totoo lang, ninanamnam pa ng katawan ko ang higaan ko. Sarap talaga. :) Irony of life.
Napapaligiran ka ng maraming tao pero pakiramdam mo, mag-isa ka pa rin. Ayaw mong makipag-usap sa kanila tapos hindi din naman sila gumagawa ng paraan para kausapin ka. Masayang-masaya sila pero hindi mo makapa sa puso mo ang kagustuhan mong makibahagi din ng kasiyahan. Hindi ka nabibingi kahit na sobrang lakas ng tawanan nila, kwentuhan, harutan pero sa loob-loob mo, wala ka ng ibang marinig kundi puro ingay na dulot ng kalungkutan ng puso mo. Ayoko sa lahat ‘yung nagbubulungan ng sekreto in front of me lalo na kung mga barkada ko naman. Pakiramdam ko I’m not trustworthy enough para sabihin ‘yun na naririnig ko din. Nakakasakit ng ego. Kung may sekreto sana, ‘wag namang harapang pinapahalata. Parang sign of disrespect din ‘yun sa friendship. Hi anon. Hehe. Tseke po. Spanish na spelling. Wala lang S dapat ‘yung plural form. Nagmarunong ako masyado, nalagyan ko tuloy. Hehe. And yes po, sa government po ako nagwowork. :) Tanggap ng pamilya ko si Pols.
That’s why I’m so proud of him. Natutuwa akong makita na kinakausap siya ng nanay ko at nakakapagkwentuhan sila. Kahit alam kong nahihiya pa din si Pols, at least tinatry niya ang best niya na makipagpalitan ng conversation sa nanay ko. Nakakalambot din ng puso na nakukuha ding magreach out ni Pols sa mga kapatid ko. Kung may nakikita man sigurong pangit na ugali ang nga kapamilya ko kay Pols, they kept their mouths’ shut. Haha. Nakikita naman kasi nilang masaya ako at ‘yun ang importante sa kanila. :”> Sa ngayon, wala na akong maihihiling pa. Kasal na lang. Bwahahahahahahaha! Two cheques! Yey! Super swerte me. Kaya lang hati kami ni mother dear. Huhuhu. Konti na lang din ang tira sa’kin. Pero buti na ang meron kaysa wala. Hehehe.
Girl, if you’re in a relationship, a simple note for you from a girl who’s in a relationship too.
Kung hindi man mala-fairy tale ang kwento ng lovelife mo, hindi mo kailangang malungkot. Sabi nga nila, may ending ‘yun. Mas masayang ganyan ang sa’yo kasi at least totoo. Kung naiinggit ka sa ibang babae na may boyfriend na sweet kasi kayang magsulat ng love letters, gumawa ng video out of their pictures,magbigay ng flowers and chocolates with matching luhod pa in front of madlang people, at kung anu-ano pang kasweetan, ‘wag kang ganyan. Ang mga lalaki, iba-iba ang way nila ng pagpapakita ng pagmamahal. Hindi man lahat ng lalaki may dugong Romeo, at least you’re still blessed kapag alam mong mahal ka niya. Kung sa tingin mo hindi ka ganun kamahal ng boyfriend mo, ‘wag ka ngang boba. Hehe. Sorry for the term ha? Pero kasi kung wala din lang namang iba ‘yung guy, mahal ka talaga niyan. Loyal siya sa’yo. Nasa sa’yo lahat ng oras niya. Ikaw talaga. ‘Wag kasing ikumpara ang lovelife mo sa lovelife ng iba. Mas magiging masaya ka pa. :) Simple joy.
May makita lang nga akong *insert tumblr name here* liked your *insert post title here* nabubuhayan na ako ng dugo. Imagine kung anong tuwa ang nararamdaman ko kapag nai-reblog na ‘yun. :) Simple joy ko ang ganito sa tumblr. Ordinaryong blogger lang naman kasi ako dito kaya nakakatuwa lang kapag may nakakapansin. Hehe. Good morning!
Kadarating ko lang sa opisina. Umuwi ako kagabi. Ayoko ng matulog dito sa opisina. Nai-stress ako lalo. Galit na naman tuloy sa’kin si ate Kay. Wala akong paki. Haha. Sama ng ugali ko noh? Kasi naman.. Me: Pwede na din naman siguro tayong umuwi ate? Kasi wala naman ng overtime. Umuwi nga ako. Haha. Buti siya sanay na. Paano naman ‘yung hindi? Haha. Ginagawa ko naman trabaho ko kung inuutos. Karapatan ko naman sigurong ipagpahinga ang katawan ko sa kung saan mang mas komportable ako. Pinagbibigyan din naman kasi kung iniuutos. Kung hindi naman ordered, pwede ko naman sigurong sundin ang gusto ko. Anong ginagawa mo?
His always way of starting a conversation through text messages. |
![]() |